Okey. Nagkakamali kayo. Hindi ko ginustong manood ng Click Five. Mga kapatid ko lang XD
Ang labo talaga, andami nilang fangirls. Tawa kami ng tawa ni Ate May dahil sa mga reaction ng mga tao. Nakakatawa kasi. Tapos may isang girl na nakasuot ng sobrang weird na damit: kulot, nakabow ang buhok na may polkadots, may palayer-layer pa ng mga damit.. etc. Tapos talagang napataas kilay namin ni Ate May kasi ang unusual niya manamit. Tapos noong pauwi na kami, saka lang namin nalaman na celebrity pala yun! =)) Si Mitch.. someone.
Anyway, iniwan namin yung iba naming mga kapatid kasi pumunta kaming Starbucks ni Tatay at ni Ate May. We were pretending to be fanboys/girls of Click Five in Starbucks. Ang labo =)) May mga naglilitrato pa sa likod namin at gustong sumingit ni Ate May. Hehehe :D
Dun naman sa escalator, nasa likod na kami ng Click Five. Siguro around 10-15 feet away lang kami. Tapos nagkukunwari kaming excited and obssessed dahil ang lapit na namin sa Click Five =)) Ang weird talaga ng experience na pinagtatawanan yung ibang tao. harharhar. :)
Tapos medyo malapit na rin kami umalis. Yung mga babae sa harap namin, sabi.. "JENNY!! PLEASE!!!!!!!!!!!!!!" As in sobrang nagmamakaawa na siya like it was a matter of life and death kung ano ang sunod na tutugtugin ng banda. Wahahaha. :P Kaya kayo, mag-ingat kayo kung nanonood kayo ng Click Five. Baka napagtawanan kita =))
Friday, October 12, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment